Powered By Blogger

Monday, August 30, 2010

Ito Dapat Tayo!

Isa sa mga bulok na pag-uugali ng mga Pilipino ay ang hilig magturo at manghusga. Wala naman siguro ang may gusto na mapasama ang sarili at isa ito sa mga justification ng marami kaya sila gumagawa ng mga bagay na hindi nakabubuti sa sarili at kapwa. Sa subrang paghahangad na maging comfortable ang buhay nila natutung gumawa ng hindi maganda. Walang masama na mapaayos ang buhay natin pero I hope that we live and do things accordingly. Naniniwala ako na lahat tayo ay pinanganak na walang bahid dungis pero habang lumalaki at namumulat sa kapalaluan ng mundo ay nakakalimutan natin kung ano ba ang dahilan bakit tayo nabubuhay sa mundo. Hindi tayo pumunta dito para maging masama, hindi tayo pinanganak na magnakaw, pumatay, maging corrupt, mang-api sa kapwa at kung ano-ano pang masasamang gawain.

Dapat ito tayo:

1. Mapagmahal sa pamilya at gumagawa ng tama at nagtatrabaho for you to have the means to sustain the
needs of your family.

2. Ipagpatuloy na palaguin ang mga kaalaman, talents and skills to better yourself and your family.

3. If you are a Christian or Islam or whatever is your religion or beliefs be consistent sa
pananampalataya mo. Magsimba kasama ang pamilya every sunday para malaman ng mga anak mo ang
kahalagahan ng may takot sa Diyos.

4. May pagmamahal at respeto sa kawpa, isipin na lang ang nagyari itong nakaraang linggo, kung si
Mendoza ay natutuhan palaguin ang pagmamahal at respeto sa kapwa, di nya kayang gawin ang
karumaldumal na gawaing yun. Pagmamahal at respeto po mga mahal kong kababayan.

5. Sa dami ng mga pagsubok na dumating sa ating bansa, ang isa sa mga pinakamalupet ang Ondoy at
iba't-iba pang kalamidad, sana natuto na tayong pahalagahan ang ating kapaligaran at syempre
kasama na ang ating kapwa.

6. Masunurin at nagsusumikap na sundin ang mga batas kasama na yung mga akala natin ay maliliit lang
at madaling gawin pero ito ang nakakalimutan natin ipamuhay, ang simpleng pagsunod sa batas
trapiko ay malaking kaginhawaan ang dulot nito sa atin.

7. Mga mahal kong kababayan, alam kong nasa ating lahat ang ikagaganda ng ating bayan, si PNOY ay isa
lang sa mga mahahalagang haligi sa lipunan na ating binigyan ng pagtitiwala para pangunahan ang
pagbabago at pag-unlad ng mahal nating bayan.

Isulong natin ang matibay na lipunan na may takot sa Diyos o kahit ano man ang pinaniniwalaan natin dahil naniniwala ako na walang religion na nagtuturo ng di maganda. Ang Pilipino ay may iisang adhikain, ang mabuhay ng mapayapa at may dangal sa sarili. Mga kapwa ko Pilipino palakasin natin ito at tuluyan na nating pakawalan ang tunay na mayron tayo, katulad ng sinabi ng ating mahal na bayaning si Dr. Jose Rizal, nung sinabe nya ito noong panahun nya na "ang mga bata ang pag-asa ng bayan", tayo po yun na sinasabi nya noon, nandito na tayo sa panahon na kanyang nabanggit, gawin na natin ang mga tinuran nya.

Ako ay katulad nyo rin, naghahangad ng mapayapa, masaya at maunlad na pamumuhay.

GOD/ALLAH BLESS THE PHILIPPINES!

No comments:

Post a Comment